Si BAMBALITO na taga Macabebe, ang unang martir para sa ating kalayaan

Dahil ukol sa nakaraan ang kasaysayan, akala natin alam na natin ang lahat ukol dito. Akala natin paulit-ulit lang na pinag-aaralan ito mula elementarya hanggang hayskul. Ngunit may mga bagay pala ukol sa ating kasaysayan na kailangan nating i-unlearn. Gayundin, may mga bago pa pala tayong matutuklasan sa mga bagay na luma!

 

Battle of Bangkusay: Limot na kasaysayan, nagkamaling kasaysayan

Battle of Bangkusay, painting by Dan Dizon. Courtesy of JDN Center for Kapampangan Studies.
Ngayong June 3, 2015 ang ika-444 na anibersaryo ng Battle of Bangkusay sa Tondo. Naganap ang labanan noong 1571, sa pagitan ng mga Kapampangan at mga Espanyol. Sa ating mga aklat, ang napatay na pinuno ng mga mapanghimagsik ay si Rajah Soliman, ang Hari ng Maynila.

Sa ibang libro, mababasa na isinuko nang mapayapa ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng Maynila sa conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi at itinatag ng mga Espanyol ang Ciudad de Manila noong June 24, 1571, hence Araw ng Maynila.

Ang nakakaloka, matapos ang tatlong taon, noong 1574, si Rajah Soliman ay sumama raw sa pag-atake ng Tsinong piratang si Limahong sa Maynila. Tila isang multong nagpakita o patay na nabuhay.
Ang confusion ay nagsimula nang pangalanan ni Pedro Paterno sa kanyang Historia de Filipinas ang pinuno bilang si Toric Soleiman. So ayun, inakala ng mga taga- Maynila na ito ang kanilang huling hari. Naisulat ito sa mga libro, napatayuan ng mga monumento, nailagay sa mga likhang-sining, si Rajah Soliman, ang bayani ng Maynila, ang bayani ng Bangkusay!
Muli, ang bayani ng Bangkusay ay hindi si Rajah Soliman. Sa mga primaryang tala ng mga nakasaksi o mga may personal na kaalaman sa pangyayari, ang namatay sa laban doon ay isang pinunong Makabebe. May nagsasabing siya ay isa lamang binatilyo. At ang binatilyong pinunong makabebe na ito ang isinusulong ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University na kilalanin si bansa bilang The Nation’s First Martyr-Leader for Freedom, ang unang dokumentadong bayaning namatay para sa kalayaan ng bansa.
“Nawa’y lintikan ako ng araw:” Ang katapangan ng binatilyong Kapampangan
Ayon sa mga tala, nang muling bumalik ang mga Espanyol sa pamumuno ni Legazpi upang tuluyang masakop ang Maynila noong 1571, nag-organisa ang mga Makabebe ng puwersang lalaban sa mga mananakop. Sinamahan sila ng mga kaharian sa tabi ng Ilog Pampanga tulad ng mga taga Hagonoy sa Bulacan. Ang puwersa nila ay umabot ng 2,000 katao sakay ng 40 karakoa, ang sinaunang warship ng mga ninuno natin. Dito makikita na may kapangyarihang naval na ang mga Kapampangan noon.

Courtesy: Ian Alfonso of Project Saysay
Humimpil sila sa Bangkusay, sa Tondo at nakipag-usap kay Lakan Dula, na nauna nang ibinigay ang Tondo sa mga Espanyol. Nakipagkasundo sila sa batang pinuno: kung makakapatay raw sila ng higit 50 mga Espanyol, sasama ang mga taga Tondo sa laban.
Nilapitan din sila ng mga emisaryong Espanyol ngunit sinabi sa kanila ng batang pinuno na nakataas ang kampilan, “Nawa’y lintikan ako ng araw at hatiin sa dalawa, at nawa’y bumagsak ako sa kahihiyan sa harapan ng mga kababaihan upang kamuhian nila ako, kung maging sa isang sandal ay maging kaibigan ko ang mga Kastilang ito!
Matapos ito, ang binatilyong pinuno ay lumundag sa bahay nang hindi gumagamit ng anumang hagdanan at tumungo na sa kanyang karakoa, nag-iwan ng habiling magtutuos sila sa Bangkusay. Naghiyawan ang mga taumbayan.
Sa labanang iyon, sa kwento mismo ni Padre Gaspar de San Agustin, hindi nakitaan ng anumang kahinaan o pagkalito sa pakikipaglaban nang malapitan sa mga Espanyol ang batang pinuno. Ayon kay Padre Gaspar de Agustin, ang binatilyo ay “pinakamatapang sa buong isla.”Sakay ng kanyang karakoa lumaban ang batang pinuno hanggang siya ay tamaan ng bala at mamatay.
Nang makita ito ng mga tao niya, nagsipulasan na sila.
Ang pangalan niya ay Bambalito
Habang nagbabasa ng Focus on Old Manila na inilimbag ng Philippine Historical Asscociation noong 1971, nakita ng historyador at Palanca Awardee na si Dr. Jose Victor Torres na binanggit ang isang dokumento na maaaring magsabi ng tunay na pangalan ni binatilyong pinunong Kapampangan. Hiningi niya ang dokumento sa Archivo ng mga Pransiskano sa Espanya at naibigay nga sa kanya ito.
Sa codex na ito na isinulat noong 1590, tatlong beses na binanggit na ang bayaning ito ay nagngangalang Bambalito.
Ayon kay Robby Tantingco, ang direktor ng Center for Kapampangan Studies ukol sa kanyang paghahanap sa kahulugan nang pangalang Bambalito:
“The problem with Bambalito is that it’s clearly Spanish and it sounds like a baby’s nickname. But I think we can extract his real name by removing the Spanish suffix “ito,” which means “young” or “small” in Spanish, and which corresponds to the common description of the Macabebe chieftain as
“a youth.”

So minus the Spanish suffix, we are left with Bambal. At first I had hoped the suffix was “lito so that I could match the root Bamba with the Kapampangan surname Bamba which is still common today, especially in Macabebe.

“But my consultant, Macau-based language expert Oscar Balajadia, reminded me that the Spanish suffix is –ito not –lito so that leaves me with Bambal. From him I also learned that since the sound /ng/ is pronounced /m/ when followed by /b/, the original name must have been Bangbal.
“Balajadia added that ‘bangbal,’ which is not found in Bergaño’s 1732 Kapampangan dictionary, must have come from the root ‘angba’ (which means either “crowd” or ‘obstacle’), which comes from a more primitive Chinese root, ‘bai’ which means ‘two’ or ‘to unite.’
“So, the Macabebe chieftain must have been called by his people Bangbal because he was ‘a man of the people, a leader of the crowd, a great partner (to his women) and a big obstacle (to the invaders)’ and the Spaniards, hearing the name, added a suffix and called him Bangbalito (Bambalito) to emphasize his youth.”
Hindi pinapalitan si Lapu-Lapu
Isang pambansang peryodiko ang muntik nang pag-awayin ang Mactan at Pampanga ilang taon na ang nakalilipas sapagkat sa pakiusap ng Center for Kapampangan Studies at ng mga pinunong Kapampangan, si Bambalito ay kilalanin bilang unang bayaning martir para sa kalayaan. Hindi kaya kinokompetensya nito si Lapu-Lapu, ang unang dokumentadong bayani para sa kalayaan?
Kailangan liwanagin na si Lapulapu pa rin ang unang dokumentadong bayani na nakipaglaban sa mga mananakop pero hindi siya namatay. Siya ay nagtagumpay. Pero ang pinakaunang dokumentadong martir o bayaning NAMATAY para sa kalayaan ay si Bambalito!
Ang mga Kapampangan ay lumaban din para sa kalayaan
Nakilala ang mga Kapampangan sa pagiging magaling na hukbong katihan na ginamit ng mga Espanyol. Ang mga Makabebe Scouts din ang ginamit ng mga Amerikano para hulihin si Heneral Aguinaldo.

Naikabit sa Kapampangan ang katawagang “dugong aso,” mga taksil sa bansa na tuta at tapat sa bawat mananakop. Ngunit wala pa namang konsepto ng bansa noon para maging tapat sila roon.

Subalit sa kabilang banda, si Bambalito ay una pa lamang sa ilang historikal pang mga personalidad at bayaning Kapampangan na kabilang sa mga lumaban para sa kalayaan ng bansa mula noon hanggang sa Kapanahong Kasaysayan.  Susundan siya nina Francisco Maniago, Heneral Jose Alejandrino, Heneral Francisco Makabulos Soliman, ang magkapatid na Heneral Tiburcio at Procopio Hilario, ang magkapatid na Jose at Pedro Abad Santos, Luis Taruc, Bernabe Buscayno at Ninoy Aquino. Nakipaglaban din sila para sa kalayaan ng bayan.


Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant professorial lecturer ng Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang historyador at naging consultant ng GMA News TV series na Katipunan at Ilustrado. Siya ay isinilang sa Tarlac at isang Kapampangan. Ang sanaysay na ito ay batay sa kanyang news segment sa Xiao Time: Ako ay Pilipino sa istasyong pantelebisyon ng pamahalaan. 

Source: https://goo.gl/SkfiZ2

Old Photos of San Nicolas de Tolentino Church (Macabebe, Pampanga)

Title Macabebe Church
Place Macabebe, Pampanga
Date 1968
Photographer Ayala Museum Research Team
Collection Filipinas Heritage Library
Notes The facade of the church has scanty ornamentation and its architectural symmetry is lost amid the various forms of windows and the entrance door. A rectangular niche breaks the monotony of the triangular pediment.

 

Title Macabebe Church and convent
Place Macabebe, Pampanga
Date 1968
Photographer Ayala Museum Research Team
Collection Filipinas Heritage Library

 

Title Macabebe Church
Place Macabebe, Pampanga
Date 1901
Notes Macabebe was founded in 1575 under the advocation of San Nicolas de Tolentino. The church measures 70 m long, 17 m wide and 11 m high. It has a transept.

 

Title Macabebe Church
Place Macabebe, Pampanga
Date 1968
Photographer Ayala Museum Research Team
Collection Filipinas Heritage Library

Source: retrato.com.ph

BEWARE Cabalen sa Japanese Encephalitis

Japanese Encephalitis nakakabahala
PAMPANGA-Pinag-iingat ang publiko sa lalawigan ng pampanga dahil sa naitalang may pinakamaraming kaso ng Japanese Encephalitis sa CentralLuzon.

Sa tala mula enero hanggang agosto ngayong taon umaabot na sa 336 na kaso ang tinamaan ng nasabing sakit,sa pampanga 249,bulacan 69,tarlac 8.

Ang Japanese Encephalitis ay nakukuha sa kagat ng lamok na “culex tritaeniorhynchus,” na karaniwang namamahay sa agricultural areas at aktibo tuwing gabi.

Ayon kay Dra Cindy Canlas EREID Medical Coordinator DOH-3 mula umano sa ibon at baboy ang virus na naililipat sa tao,paliwanag pa nito na walang ligtas sa Japanese Encephalitis na karaniwan mga edad 15 pababa ang biktima nito,ang mga sintomas nito ay sakit ng ulo at tiyan, lagnat, pagkapagod, paninigas o pananakit ng leeg, pagsusuka, kumbulsyon, at paralysis,dagdag pa ng experto posibleng ikamatay ito kung hindi kaagad malalapatan ng lunas sa pagamutan.

Panawagan ng DOH maaring maiwasan ito kung makikiisa ang mamamayan na maglinis sa kapaligiran upang mapuksa ang pinamamahayan ng mga lamok.

from : Gary Bernardo (Pampanga Daily Balita)